"Ibinalabal sa iyo ang lakas ng isang kabataan." Ni buhok ni Gat Jose Rizal, o ni Luna, o ni Mabini ay di na kailanman masasamyo ang katapangan, ngunit ipinaalam sa iyo kung ano ang itong halimuyak. Itinurok tanda upang ipagmalaki ka ng iyong lahi. At upang patapangin ang pulang dugong dumadaloy sa bawat mong pangarap. Upang mapangalagaan ang busilak na balon ng kapayapaan na ipinagkatiwala sa iyo ng dakila mong bayan. ![]() Upang buhayin ang mayaman mong pag-iisip at paghusayan ang kakayahang ipinamana sa iyo. Upang linangin ang katapangan at kasipagang dumadaloy sa iyong mga ugat. Nabigyan ka ng pagkakataon sa gilid ng bughaw mong karagatan, at sa ibabaw nito, sa tugatog ng mayaman mong mga pulo at sa kasaganaan ng iyong kapatagan. Isinalin sa iyo ng iyong mga ninuno ang tungkuling yakapin at ipagtanggol ang iyong lahi. Natamo mo ang lahat ng karapatan, kahalalan, at kalayaan maging Pilipino. HUMUPA NA ANG usok ng digmaan at ang bayan mo ay lumaya. Saan ang puso kung sa iba'y wala din naman? ![]() Upang paglaruan, katulad ng iyong paglalaro, Upang husgahan at litisin ka sa iyong sala. Mga butong pinatigas ng matandang pandaraya,
0 Comments
Leave a Reply. |